SNAP SHOT
Instant Messaging WHILE in the Workplace
Episode 10: THAT HIGH SCHOOL GIRL (The Second Part)
Uncensored. NOW SOMEWHAT Unscripted. And unsolicited. Just when you think nothing will come out when you engage a conversation inside the realm of cyberspace, TADAH! You can see what you typed in this page!
Cheap plug: My YM is stacey_the_evil_chipmunk (if you want your thoughts to be hacked).
| The Situation: |
| Previously, Stapler Girl took my name off her Friend’s Lists. She did give a reason… a funny one and “Ang haba ng hair ko” moment actually. The reason is well… I seem to have an “enemy”. Read on! |
Stapler Girl : Teka, when was the last time I heard you sing? ANO BANG GINAWA MO SA MUSIC CLASS NOON?
The Sydman: Isipin mo ito kinakanta ko... sending file.
Stapler Girl : Baka naman porn ang isi-send mo. Kung porn kasi hentai na lang…
Then cybersilence.
Stapler Girl : (shocked) Oh… my… goodness… BIKINING ITIM!?!?! TAE KA TALAGA! I WOULD HAVE CRACKED YOUR HEAD! OKAY PA BA KAYO NG NANAY AT TATAY MO? INGAT KA BAKA ITAKWIL KA NA NEXT TIME!
The Sydman: Whatdidaydo??? WHATDIDAYDOOOOO!?!?!?!
Stapler Girl : Anak ng tokwang ringtone yan! Baka next time e First Love Never Dies na yan ha!
That was another moment I burst into laughter.
The Sydman: Ay o... kaya nagseselos e!!!
Stapler Girl : Tae ka talaga!!!
The Sydman: BWAHAHAHAHAHHAAHAHHAHAHAHAH!!!!
Stapler Girl : Haba ng hair! Feeling!
The Sydman: Ako feeling!?!?!?! Err…
(thinks) Oo.
Stapler Girl : Teka nakikita mo ba ung mga smileys ko? Parang hinde ata gumagalaw? At exagged ang laki! Mali ata settings ng pc ko?
The Sydman: Format C? Ewan ko lang…
Stapler Girl : Teka bakit nga pala bigla kang lumitaw?
The Sydman: Pinagsasabi mo? Lagi kaya akong online? Kaso pag nasa office lang.
Stapler Girl : Por reals? Ako ngayon lang after how many months! Kaya laki ng phone bill ko e!
The Sydman: Lagi ka palang long distance. Dapat pala pwede mo akong pakainin kaso dehins pwede.
Stapler Girl : ANONG PWEDE KITANG PAKAININ?! MAHIRAP TUMAKAS HA! ALERGIC NGA SAYO ASAWA KO!
Attempting to do cartwheel again…
The Sydman: BWAHAHAHAHAHAHA!!!! Teka, baka naman talagang pinagseselos mo talaga ang asawa mo? May pinagmamalaki kang kaibigan na dati mong naging close na sa sobrang gwapo… SA SOBRANG GWAPO, ‘pag tinabi mo ang cast ng One Tree Hill sa kanya, nagmumukhang atsoy ang mga yon? Wag ganon pwede? Wag ganon!
Stapler Girl : (sarcastic) Wow. Napaka-down to earth mo talaga.
Hindi kasi, noong nagkakilala kami, that was the time na magkikita dapat tayo. Ano nga pala nangyari doon? Napagkamalan ka yatang gigolo sa Pantranco?
The Sydman: Teka yun ba yung nanood tayo ng putang-inang movie na yun kung saan kadiring umakbay dahil bawat scene patayan????
Deep Impact ang uso non. Pinanood namin The Substitute 2. Aside from that, this wasn’t actually a date since kasama ko non yung dalawang barkada ko at nagsama din siya ng panangga.
I was young then and stupid so it seems.
Sila pa nga yata yung nagsabi ng Substitute 2. Those bastards…
Stapler Girl : Bakit nga pala kasama mo sila non?
The Sydman: Alam mo noong kabataan mo at tanga ka pa? Yun yon. Nagsama ka rin non a!
Stapler Girl : Eh? Di ko rin alam e! Inosente pa yata ako non.
The Sydman: (beat) Nanliligaw yata ako non?
Stapler Girl : (sarcastic) Ikaw? Nanliligaw? Ows? Hinde ko alam yun ah. Nanliligaw ka na pala non? Teka naa-alala mo yung time na pinahiya ako sa klase ng teacher nating bading? Crush ka ata nun eh, kaya pinaiinitan ako!
The Sydman: Great, so ang ibig sabihin mo is ang frustrated love triangle ko dati ay isang babaeng maton at isang bading?
(sarcastic) This is so awesome.
Stapler Girl : Anywho... ano ba nangyari sa panliligaw mo nun? Parang wala ata ako masyadong matandaan?
This was the part of the conversation where my YM was disconnected. This was also the part of my life that I got to contemplate. Sobrang bano pala ako noong high school…
BUZZ!!!
Stapler Girl : You still there? Dude.. I have no way of telling if you’re here or away...
The Sydman: Ngayon oo. Teka where were we?
Stapler Girl : OK kala ko bigla ka na naman nawala kaya I hate you.
The Sydman: Ows? I hate you? Isa ba itong Lotlot-Monching movie?
(changes topic) By the way... Ano pala nauna, yung pagdalaw ko o yung Papa mo?
Stapler Girl : Pagdalaw mo.
The Sydman: Ohhh... ewan ko pero no contact afterwards di ba?
Stapler Girl : Ganun na nga. Ano pala nangyari bakit nawalan tayo ng contact?
The Sydman: Gumising ka na lang ba isang araw tapos naisip mo na "Ano kaya kalimutan ko mga high school friends ko!?!"
Stapler Girl : Ikaw yung biglang nawala e! Nagka-syota ka na ata nun!
The Sydman: Aaaaaakoo??? Bakit mo ‘to sinasabi??? Oo na, para sa KAGUSTUHAN mo, masama na ako!
Stapler Girl : Wala naman akong sinasabing masama ka ah??? Wait!
(thinks) Actually, OO ang sama mo!
The Sydman: Nagsimula ang lahat ng 1982 ng sinabi ng duktor sa nanay ko na may gwapong nilalang na nasa sinapupunan niya.
Stapler Girl : Ang totoo niyan hinde lang talaga kita maintindihan kung ano ba talaga ang gusto mo. Like noong hayskul nanliligaw ka tapos you stopped… parang naglalaro ka lang... tapos parang nakakaloko… Syempre iniisip ko nun.. is this a joke? Pinaglololoko na naman ata ako ng gagong to! Anyways, ganun ang dating sakin. So hinde ko sineryoso… masyado. What can you say?
Cybersilence.
Stapler Girl : Wala dedo ka na naman.
I was actually doing work. I previewed materials and when I got back I looked at the last statements. Then I sat at my seat and whacked my head in the keyboard.
This sudden emotional outburst is brought to you by the numbers 6 and 98…
HALOS HINDI AKO MAKATULOG NOON SA KAKAISIP SAYO TAPOS YUN YUNG NARARAMDAMAN MO!?!?! TAEEEEEEEEEE!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
Ehem.
Let us continue.
The Sydman: Seryoso, isu-suplex ko with matching flying kick yung sarili ko dati pag nagkita kami. I was like super torpe! Teka, so yun yung naramdaman mo dati? NGEEEEEE!!!!!
Stapler Girl : Leche! hinde ka nagsasabi kung aalis ka o hinde... para kong nagsasalita ng walang kausap......isa kang boy bastos!
The Sydman: TSOPE AKO DATI!!!! Buti na lang may college kung hindi habangbuhay akong walang kwenta! Alam mo naman siguro kung pano ako nakapagsabi sayo dati diba?
Stapler Girl : Oo kaya nga weird kasi nagtutulakan pa kayo ng mga barkada mo palabas ng gate na para kayong may masamang balak!
The Sydman: Pag ‘di ko nagawa yun lilibre ko siya Archi… ISANG SOBRANG ASTIG AT UBOD NG MANLY NA DC COMIC!! ‘Pag nagawa ko naman sobrang aasarin niya ako. I'm like deeply motivated to make sabi whatever what!
Writer’s note: I was never into Archie comics.
Stapler Girl : (pissed) Comics lang pala katapat ko!
The Sydman: (shouting) KAYA NGA BUTI NA LANG NAG-COLLEGE AKO!
Stapler Girl : So, you grew up na ba? Anyways... so ano nga palang nangyari sayo nung nawalan tayo ng contact? Buti may kumagat sa katsopean mo.
The Sydman: Hehe… matagal ng wala. Medyo bad trip ako sa mga clingy people e. It’s like mas gusto ko yung nanghahabol for some reason. Basta, ang mindset ko ngayon, pag isang taon at hindi kita o hindi mo ako matagalan, babay na.
Stapler Girl : Oh I see. Tama, pangit nga yon. Yan yung mga tipong dapat mong takasan.
The conversation could have gone longer had not for the work that I need to finish. Plus this was General assembly day! Namimigay ng libreng pagkain ang mga boss namin!!!
I am still waiting for my Sour Cream Pringles.
And actually, this can be the moment of Zen.
| Waiting for Stapler Girl to accept 1 file: |
| Bert Dominic - Bikining Itim.mp3 (2688 KB) Cancel (Alt+Shift+C) |