 | Category: | | Beverages | | Style: | | Soulfood | | Special Consideration: | | Kids | | Servings: | | Isang handbook ng buhay |
Description: Naa-alala niyo ba yung time na wala kayong kagimik-gimik tuwing sabado at its either magaral kayo or manood na lang ng tv? Hindi pa uso ang cable non at lalong walang PC games na maangas, PS, Gamecube, at X-Box non.
So watyagonnado? You watch your TV and abangan ang mga teen idols na magpaka-ultra cheeky sa isa’t isa. Hindi lang naman kasi love story ang tema ng mga shows na ganito. Handbook din sila ng buhay.
Ingredients: Check these things out.
15. Lahat ng barkada mong lalake ay superbly attracted sa hot mong pinsan (or kapatid, or tita, and vice versa) 14. Kapag nalalasing ka ay lagi mong nasasabi ang intimate secret sa taong crush na crush mo. PERO pag nagpass-out na... kunwari, yung nagsalita, babae, gentleman na ihahatid ang babae sa kanyang bahay ng kanyang love interest. 13. Sobrang cute niyo kasi ang sinasayaw niyo sa prom ay "It might be you". 12. Ang inyong barkada ay merong name. 11. Kapag walang smiley face ang ending ng text niya sayo ibig sabihin bad trip siya sayo. 10. Ultra cool ang magtawagan ng cupcake at cookie sa harap ng mga kabarkada mo. 9. Pag ang pangalan mo ay Patricio ay ICE ang nickname mo. Pag Joaquin ang pangalan mo, WACKS ang nickname mo. Pag INAKI ang pangalan mo, INYAKS ang nickname mo. 8. Pwede ka palang pumasok ng high school na sobrang tadtad ng makeup ang mukha mo. Pwede ka ring mag-shades sa classroom mo kahit wala kang sore eyes. 7. Kapag nagkaroon ka ng summer job, mai-inlove ka or mai-inlove sayo ang closest friend mo doon. Oftentimes, may gf or bf na ang bida so ang summer job friend mo ay isang relationship wrecker. 6. Ang nanay at tatay mo ay mother and father figures din sa mga friends mo. Minsan makikikain, minsan makikisabat, at often times nakikiusyoso pa sa mga happenings niyo. 5. Habang nagba-basketbol kayo ay may lalapit sa inyo na isang mangcha-challenge. The challenger turns out to be a girl pero hindi niyo agad ito mahahalata kasi naka-cap siya at tago ang hair and for some reason, hindi niyo halata ang kanyang boobs. By the end of the day, inlove ka na sa kanya. 4. Ang isa niyong barkada ay nagma-mayari ng isang bar, computer shop, o kahit na anong mataong tambayan kung saan tumutulong kayo from time to time. Lagi itong merong isang opis sa loob kung saan nakakalimutan lagi ng mga tao na I-lock ang pinto. Kaya pag nagkakaroon ng two-timing moment, laging merong nakakahuli. 3. Kapag wala ang isa niyong barkada, ibig sabihin non nag out-of-town siya or nag out-of-the-country. (in reality either buntis sila or may contract dispute) Also, pwede din silang mabulag or may cancer at magpagamot sila sa Tate kaya mawawala siya ng matagal. 2. Meron laging isang studious na babae na nai-inlove sa isang James Dean-like na lalake. Oftentimes, ang dalawa will be bitter enemies at first, pero unti-unti silang magkakaroon ng feelings sa isa’t isa oras na magkaroon ng iba ang isa or mapansin ng isa na mas okay pala itong isa na to kesa sa nasa kanya. 1. Lagi talagang merong isang unexpected na kontrabida. Yung akala mong harmless pero naghahanap lang pala ng butas para pumasok. Laging tatlo ang naglalaban sa isang love problem at laging yung isang matatalo magkakaroon ng metamorphosis. Pwede siyang mapunta sa dark side pero pwede din siyang magsilbing isang background na lang sa love story ng kabilang side.
Directions: Taken from teen shows like Gimik, TGIS, G-Mik, and Click (with the help of my sister and my ate). There are also inclusions of some scenes taken from Love-to-Love and SCQ Reload Kilig Ako.
By the way, wala pa akong napapanood na ganito sa talambuhay ko. ang pinapanood ko pag sabado alas kwatro ay isumbong mo kay tulfo.
MABUHAY SINA JOROSS AT ROXANNE! 
| |
|