| |
 | Category: | | Pasta | | Style: | | French | | Special Consideration: | | Low Carb | | Servings: | | Bahala ka |
Description: Sa buhay ng tao, ang daming mahirap sabihin. Ang magsabi ng totoo. Ang sabihin mo sa isang tao na kahit nakalipas na ang maraming panahon ay ikaw pa rin ang siyang nagpapatibok ng puso ko at nahihirapan lang akong magsalita dahil ako’y isang taong ubod ng tsupe. At siyempre…
Paano ka ba maligo?
So, ito’y isang tulong… pano mo sasabihin sa taong kakilala mo na hirap kang umamoy pagnandyan siya?
Ingredients: 1. Nakaapak ka ba ng tae? 2. Masyado kang mayaman. Alam kong may raket ka na hindi mo sinasabi. In other words, something fishy is going on around here… pumaparoon ka ga sa laot? 3. Maamoy pa kaya kita kung nasa Batangas ako at nasa La Union ka? 4. Galit na pumasok sa opis/classroom/o kaya sa isang mataong lugar at sabihin mong “Anak ng puta, pawis ka na naman??” Tapos tumayo ka sa isang matibay na table. “Fearless forecast: Uuwi ka bigla sa bahay mo tapos huhubarin mo damit mo at maliligo ka ng tatlong oras kasi ang baho-baho mo!” 5. Alam mo sa France, hindi talaga nagshe-shave ang mga babae. Guys there think it’s kinda sexy. Tapos sa US naman, nagpapabango na lang sila kung masyadong malamig para maligo. Nasa Pilipinas tayo. I don’t like to make racial slurs pero… saan ba ang plantation o excavation site ng sulfur dito sa ‘Pinas? 6. Swamp Thing, kaw ba yan!?!! Shit, so that’s why amoy swamp ang lugar na ‘to! Pero don’t worry medyo mayamang baho naman yung naaamoy ko e. Pa-autograph naman o! 7. Buti ang kotse, may ambi-pur. Buti ang toilet, may toilet duck… wala ka bang ambi pur diyan o toilet duck? 8. Kung nasa ilong lang kita, matagal na kitang sininga! Basta kapag hindi ko na talaga kaya sasapakin na lang kita a. 9. Sa birthday niya magregalo ka ng Shellguard at flea collar. Para hindi masyado kupal, sa PASKO, regaluhan mo siya ng mga gamit na galing sa Body Shop. Mamahaling pantanggal ng amoy… hmmm… he’ll never suspect it. 10. You’re hot and though you’re smelly, I will STILL do it with you. Although okay lang ba sayo na the moment na pawisan ka, magba-biochem suit ako? 11. Alam mo sa susunod, kumain ka ng almusal. Okay lang na hindi ka kumain ng dinner kasi restored pa rin ang figure mo. Kahit ano kasing toothbrush mo, hindi talaga matatanggal ang amoy ng bibig mo kasi matagal na itong walang laman. Pagkatapos nito ay maglabas ng isang overhead projector o kaya slide projector tapos maglabas ka na rin ng lazer pen. Studies show that ang amoy ng bunganga ng isang tao ay… magsalita ka lang tungkol sa scientific aspects na definitely magkakaroon ng mga spectators at come tomorrow, magre-resign na siya sa sobrang embarrassment sa ginawa mo sa kanya.
Directions: This is not applicable during happy and sad occasions and to people with strong drawing power (meaning may mga goons).
By the way, hindi pala siya ten... eleven pala 
| |
|